"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala"
"Kahit gaano man kadaming signs ang dumating at matupad. Kung hindi ka niya mahal. hindi ka niya mahal."
"Kahit anung bagal ng paglakad mo, kung hindi ka naman gustong habulin. hindi ka talaga maaabutan, kahit na mag-stop over ka pa."
"Siguro kung tatamaan ng kidlat ang mga taong di tumutupad sa salitang "promise". Magmimistulang fire works display everyday..."
"sa kahit anong kalakaran ng buhay, tandaan mo na gaano mo man paghandaan ang katotohanan, laging mas masakit ang tama kaysa inaasahan."
"Ang babae nirerespeto, minamahal, inaalagaan. Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo nang paglaruan. hindi yan IPOD na pakikinggan mo lang pag wala ka ng libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan."
"Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magagalit, kasi may mga tao rin na mahal na mahal ka pero hindi mo kayang mahalin kaya quits lang kayo."
"Masyado na kkasing maraming bura ang papel, hindi na pwedeng gamitin. dapat ng itapon sa basurahan. Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao."
"Obligasyon kong maglayag. karapatan kong pumunta saan ko man gusto. Responsibilidad ko ang buhay ko."
"Hiwalayan na kung hindi ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Minsan pala, kailangan mo rin ng lakas para sabihing mahina ka."
"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede na mang wala sa buhay ko."
"Paano mo ba titingnan ang baso, kalahating puno ba? o kalahating bawas?"
"Hindi dahil hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan. At hindi lahat ng kayang mong intindihin ay katotohanan."
"Hindi lungkot at takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyong-bilyong tao sa mundo, ni isa walang nakipaglaban pra lang makasama ka."
"Walang taong manhid, hindi niya lang talaga maintindihan ang nais mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin."
"Nalaman kong napakaliit na bagay pala ng isang recitation, project at quiz para sumira sa buhay mo. At napakalaking pagkakamali na kalimutan mo ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror teachers at mahihirap na subjects."
"Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher."
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
"Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”
No comments:
Post a Comment